"Maiintindihan mo yun kung matured ka at hindi isip bata.."

Eto na nga ba sinasabi ko eh. Umiyak ako. Ako pa din talo sa huli. Ako pa din yung mali. So kung di ako umiyak nung araw na yun, matured na ko? Di ko naman kasalanan na sobra mo akong pinuno kasi pinahiya mo ako at sobra na din. Nung una sabi ko sa kanila okay lang sa akin na ginaganun niyo ko eh. Pakikisama. Pero ngayon hindi na. Sinagad-sagad niyo ko. Nagpaparinig pa kayo mga putangina ninyo. Sige. Hahayaan ko lang kayo. Pag ako napuno sinasabi ko sayo inyo magkakaalam tayo dito.

Di ko na kailangan i-explain yung sarili ko sa inyo. Bilang alam ko naman sa sarili ko na “matured” naman ako, sige, di ko kayo papatulan. Sino kaya yung isip bata sa atin ngayon? Wala naman akong pake sa inyo eh. Di ko alam kung bakit sobrang apektado ako ng mga ginagawa niyo. Di lang ako nagsasalita kasi you’re all not worth explaining for. In fact wala naman akong balak mag-react sa mga sinasabi niyo sa akin pero pinipilit niyo ko. Lakas niyo mang-husga. Lakas niyo mam-badtrip. Puta. Pagbibigyan ko kayo ngayon sige.

Depressed. Pissed. Fucked up. Putangina. 

Lagi na lang bang ganito? Katatapos lang nung isa, eto na naman?

Minsan naiisip ko na putangina, ganito ba talaga akong kasamang tao? Lahat na lang nagagalit sa akin? Lahat na lang di ako pinapansin? Ganun ka ko ka-gago? Putangina eh.

Nung sabado, yun na talaga. Di ko na kinaya. Sa loob ng halos 2-4 na taon, ngayon na lang ako umiyak ng ganun katindi. Yung iyak talaga na di ko mapigilan yung pagbuhos ng luha ko, parang walang katapusan, parang mauubusan na ko ng tubig sa katawan. Iba eh. Tindi mo! Congrats ah, ikaw na lang yung nagpaiyak sa akin ng ganun.

Pero yun na nga eh, putangina, ikaw pa talaga nakapagpa-iyak sa akin ng ganun? Tangina mo. Anong pakiramdam? Masaya? Nakaka-astig? Putangina.

Di ko alam kung ano kasalanan ko. Ang tanong, may kasalanan ba talaga ako? Sige. Alam ko naman, maingay ako, maharot, malandi, papansin. Kahit anong panlalait at masasakit na salita galing sayo, tinatanggap ko, kasi alam kong totoo. Noon natutuwa pa ko, sabi ko sa sarili ko,

"Okay lang yun. Nakakatuwa nga kasi di siya plastik eh, sinasabi niya agad yung mga napapansin mo saken. Realtalk.."

Edi sige, masakit, pero truth hurts eh. At okay nga lang sa akin kasi nga totoo naman. Aminado naman ako. Aware naman ako sa actions ko. Masaya ka na?

Kaso putangina eh, ano to, namihasa ka? Akala mo wala akong feelings. Akala mo tatagos lang lahat sa akin yung mga masasakit na mga sinasabi mo. Akala ko din eh. Kaya hinahayaan ko lang. Kaso di ko alam na naiipon pala lahat ng yun. Hanggang sa dumating yung sabado, putangina, di na katanggap-tanggap yun.

Una okay lang eh, napatahimik mo ko. Seryoso yung mukha mo. Ang sakit ng sinabi mo. Napahiya ako sa mga kasama natin. Tumahimik ako. Tumahimk sila. Hinayaan lang kita. Di na ko nagrereact. Iniisip ko galit ka na talaga, edi nanahimik na lang ako. Na-realize ko na "ayy, sobra na ata ako..". Nag-aalala na sila kasi nga ganun na mga pinagsasabi mo, napansin ko sila kasi nagrereact na sila na baka nga galit ka na talaga. Tapos tumawa ka bigla, ibig sabihin joke lang. Edi okay lang. Kahit masakit, di ako nagsalita. Di ako nagalit. To think na na-offend mo ako at napahiya talaga ako. Di ako nagsalita. Okay lang eh, kahit hindi.

Tapos normal na ulit, balik sa dati..  Hanggang sa pangalawang beses, putangina, inulit mo na naman. Akala ko nung una joke lang kagaya nung nauna eh. Hinintay kita tumawa. Di ka na tumawa. Sobrang napa-tameme mo ko. Tumahimik na lang ako. Kasi sige, ako na naman yung mali. Ang ingay ko kasi eh no? Pero dun sa lasing na nagwawala, wala kang pakialam? Tangina!

Nung nakatalukbong na ko ng kumot, dun ko na-realize na "putangina, ang sakit nung sinabi niya". Naiiyak na ko, pero di ako nagpahalata. Gustong gusto ko na umiyak pero nahihiya ako kasi baka kung ano sabihin niyo sa akin. Pero di eh, di ko talaga kinaya. Masaya ka na? Panalo ka putangina mo. Umiyak ako. Di lang ako basta umiyak. Puta. Yun yung pinaka-matindi kong iyak. Tindi mo gago!

Nung umiiyak ako sa kanila, sinasabi ko okay lang. Iiiyak ko lang yun tapos pagkatahan ko, okay na. Kakalimutan ko na. Edi sige, iniyak ko lahat, hanggang may iiiyak pa ko. Kahit nahihiya akong umiyak sa harap ng madaming tao, sige, tinuloy ko lang. Tapos kinabukasan, sasabhin mo lang na,

"Okay lang yan, sundae at DQ lang katapat niyan.."

Tangina puta. Kahit di ako maganda, di ako cheap no? Di ako nadadaan sa ganun! So ganun ako kababaw? Putangina! Ice cream katapat? ULOL!

Tapos kanina, sasabihin mo na hindi ka magsosorry kasi ma-pride ka? Who cares??!?!?! Sino ka ba? Di ka naman importante. Importante ka!? Tsaka ka na mag-inaso pag sobrang importante ka na saken! Ulol pala to eh. Bestfriend ko nga, natiis ko. Bestfriend ko yun ah! Eh ikaw? Wala kong pake sayo. Tangina. Ikaw na may kasalanan ikaw pa matigas? Edi putangina. Mas matigas ako sayo. Gago ka pala eh. 

Tangina. Sobrang badtrip talaga ako ngayon. PUTANGINA> Sarap magmura puta talaga. Kung di mo sinabi na “di ako magsosory, ma-pride ako eh”, okay lang eh! Kaso putangina ka kasi gago! Tignan natin puta. TIGNAN NATIN. 

Nakakamiss mag blog.

Nakakamiss na seryoso! Ang dami kong gusto ikwento, mga gustong i-share. Ang dami ko ding pinagdaanan na mga ups and downs at nakakalungkot na di ko man lang na-take note yung mga yun. May journal naman ako pero kasi nakakapagod magsulat tsaka most of the time di ko siya na-uupdate kaya yun. Wala rin.

Ang ayoko lang kasi dito yung magka-access yung mga kakilala ko sa blog ko. Walang privacy. 

Pero, magbabalik ako. BWAHAHAHAHA. Magsisimula ako as soon as possible. Medyo tinatamad pa ko ngayon. Basta. May isa din kasi akong blog so… Ayoko abandonahin yun. Nag eenjoy ako dun kahit reblog blog lang yun.

I’ll be back here. I really missed blogging.